Suliranin: "Ano ba ang meron
- Patok na patok sa mga Pinoy, lalo na sa mga kabataan ang pagkain ng mga 'street foods' kaya naman naisipan ng mga mananaliksik na talakayin ang mga ito. Dahil sa kalye ito ibenebenta, nalalagyan na ito ng mga dumi na galing sa polusyon at sa mga insektong dumarapo dito. Kaya naman pagdidiinan ng pansin ng mga mananaliksik ang mga pwedeng maging epekto ng pagkain ng mga ito at ang maling pamamaraan ng paghahanda nito.
Rebyu
Fear Factor(Pinoy Edition)
ASTIG ANG PINOY!
Kung ang street food sa ibang bansa ay hotdogs, burgers, dimsum, at fries, ibahin mo ang dito sa Pilipinas. Usong-uso ang mga fishballs, kwek-kwek, kikiam, etc. lalo na sa mga taong nasa middle to lower class ng populasyon. Mas maganda siguro kung gagawin natin yang, "Astig ang sikmura ng pinoy." Hindi ko rin alam bakit patok na patok sa mga Pinoy ang ganito. Ako mismo na nursing student ay parokyano ng ganitong pagkain. Kahit alam ko pa kung anu-anong bacteria ang makukuha ko rito, nakakalimutan ko sila lahat pagdampot ko sa magical barbecue stick that will someday make me sick(rhyme!).
Ikaw? Sa palagay mo? Saan ba kinukuha ng street food ang kanyang irresistibility?
- Sa magical barbecue stick which you make tusok-tusok onto the fishball?
- Sa orange food coloring na hindi mo alam bakit hindi na lang naging blue? Or yellow?
- Sa sukang manilaw-nilaw na at may paswimming-swimming na langaw?
- Dahil ito ay murang pantawid gutom kasabay ng pagtitipid para lang may maipang-Ragnarok ka?
Bilang isang nursing student, isa sa mga pangunahing tungkulin namin para sa aming komunidad ay ang health promotion o ang turuan kayo ng mga paraan para makaiwas sa sakit at magkaroon ng better lifestyle. Pero sa pagkakataon na 'to ay kalimutan muna natin yun dahil ipapakilala ko sa inyo (sa mga hindi nakakaalam) ang iba't-ibang masasarap na street food na pwede ninyong makita sa inyong mga kalsadahan.
Fishball, Squidball - Ito yung mga puting bilog which you make tusok-tusok onto. Pag marami-raming tao e pwede kang magpasobra ng sa bilang mo para makalibre ka. Well, konsensya mo na lang yun pag nagtaka ang tindero bakit hindi siya yumayaman sa pagpipisbol. Fishballs sold for 50c. Squidballs for P2.00.
Kwek-kwek - or quail eggs kung soshal ka. Itlog na binalutan pa ng itlog(battered). Sa sobrang pagiging itlog niya e bente anyos ka pa lang bumabara na ng cholesterol ang ugat ugat mo. Sold for P5-7/stick.
Kikiam - hindi lang sa Chowking meron nito. Sa kalsada rin! Ranges from P1-2.
One Day Old - mga orange na itlog na katakyut-takyut. One day old ang tawag sa kanila pero pag nalasahan mo parang one week old nang nilalako. P5.00.
Laman-loob ng Baka ON A STICK - sosyal ka dahil galing ito sa beef. Pero wala talagang beef dahil puro taba at laman-loob lang ito. P2-3.
At ang kinatatakutan ng lahat!
One Day Old Chick a.k.a. HALIMAW - Fried sisiw in an orange coloring. Crispy. Pinakamalutong pagkagat mo sa bungo nung sisiw KRRRRKKKK!!! Ummm.. sarap!!
At dahil nandito na rin ako ay magpapakanurse na rin ako.
Hazards of street-food eating:
- Alalahanin na ang iba sa mga street food ay hinahayaang nakatiwangwang lang sa kalsada at sari-saring pollution at microorganisms na ang nasagap nito.
- May posibilidad na makakuha ka ng E.coli sa fishballs, kikiam, squidballs dahil processed ang mga ito.
- Halos lahat sa mga microorganisms sa mga to ay namamatay rin sa mainit na mantika. Pero wala ka pa ring katakas sa magical sauce nila.
- Nakasisiguro akong milyun-milyong microorganisms na ang nasa mga sauce nila dahil iba't ibang tao na ang "sumawsaw" dito. Kaya mas magandang magfishball sa umaga kaysa sa gabi dahil ikaw ang bwena-manong sasawsaw. =)
- Ang iba sa mga tindero ay walang alam sa food sanitation and proper handling.
Kaya sa susunod na magsistreet-food ka, lagi mong tandaan. EAT AT YOUR OWN RISK. Behhh!
(http://humblejowdie.blogs.friendster.com/online_tabletas/2007/01/fear_factorpino.html)
Layunin
- Layunin ng pananaliksik na ito ang makagawa ng akademikong papel para sa pagkumpleto ng grado sa kurso ng Filipino II. Layunin ng pananaliksik na ito ang makapaghanap ng mga impormasyon tungkol sa paraan ng paghahanda ng mga 'street foods' at kung ano ang mga maaaring maidulot ng pagkain ng mga ito. Layunin din ng pananaliksik na makapagbigay detalye at impormasyon sa mga Pilipinong mahilig sa 'street foods' bilang babala sa mga posibleng epekto nito sa kanilang kalusugan.
Halaga
- Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing paalala sa mga tao na ang pagkain ng street foods ay maaaring magdulot sa kanila ng sakit. Ito ay maaaring maging reperensiya sa tamang paraan ng paghahanda ng pagkain. Ito rin ay pwedeng maging gamit para maipaalam sa mga tao na hindi purkit mura at masarap ang mga pagkain ay sulit na sulit na ito, dahil ang pagkain ng street foods ay maaaring makapaglagay sa tao sa tiyak na kapahamakan.
Konseptwal na Balangkas
Methodolohiya
- Ang mga mananaliksik ay pumunta sa iba't ibang tindahan ng mga street foods. Nakita nila na meron din namang mga tindahan na inilalagay nila sa tamang lalagyan at tinatakpan ang mga pagkaing kakaluto lang. Pero, karamihan pa rin ng mga tindera ay hindi tinatakpan ang kanilang mga bilihin kaya ito ay "naeexpose" pa rin sa dumi at alikabok na dulot ng polusyon. Gumawa rin ang mga mananaliksik ng isang surbey, na may katanungan na kung kumakain ba sila ng street foods at kung sa tingin ba nila ay siguradong malinis ang mga ito. Gumamit din ang mga mananaliksik ng mga artikulo mula sa internet pang-dagdag detalye at pangsuporta sa mga impormasyong nakuha.
Saklaw/Delimitasyon
- Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay lamang sa mga street foods na matatagpuan sa Pilipinas. Nakapaloob dito ang iba't ibang uri ng mga pagkaing ito at ang tamang paghahanda sa mga ito. Binibigyang-diin ng mga mananaliksik ang tungkol sa kalinisan ng mga produktong ito, ang mga sakit na maaaring makuha sa pagkain ng street foods.
Daloy ng Pag-aaral
- Dahil maliit lang ang kapital na kailangan sa pagbebenta ng street foods maraming tao ang nagnenegosyo nito. Tinatalakay rin dito ang iba't ibang uri ng mga ganitong klaseng pagkain. Ang isyu na hinaharap ng mga tindera ng street foods partikular na ang kalinisan ng kanilang mga binebenta. Isa pa sa tinalakay dito ay ang mga paraan para mabawasan ang problema sa sanitasyon.
- Una, tinalakay namin kung bakit maraming tao ang nag-nenegosyo ng street foods. Ikalawa, ang iba't-ibang uri ng street foods. Ikatlo, ang maling paraan ng paghahanda ng mga ito. At ang panghuli, mga paraan upang mabawasan ang problema sa sanitasyon.
3 comments:
ei, stujante kmi ng holy angel university sa pamp.. may ginawa kaming case study sa asignaturang filipino. ngayon, iniisip nmin kng pwede bang gawing basehan ang study nyo.. txt nlang kayo, nid lang..
09215317090.
salamat!
hi poh ako pah pala si dimple students from philippine women's college ng davao city... maari nyo po ba akong tulongan sa project namin about street food pwede po ba kaming mag patulong sa inyo??? paano po ba gumawa ng biblopopiya tungkol sa atreet foods.... plssssssss tulongan ninyo kami... txt lang poh kayo dito....09108190421 or 09052399530 thank you po ulit
Gumagawa po kase ako ng kaugnay na pagaaral at literatura itatanong ko lng po sana kung may libro po kayo tungkol sa street foods especially sa isaw po . Pls reply po thanks ����
Post a Comment